Tumbok sa Oras!

Mga Inihulang Kaganapan ay Inihayag

Lesson 18

 

Higpitan ang inyong sinturon sa upuan! Matutuklasan mo ngayon ang pinakamahabang panahon ng propesiya sa Biblia—ang propesiya na perpektong hinulaan ang unang pagdating ni Jesus at ang panahon ng Kanyang kamatayan. Sa Aralin 16, natutunan mo na ang Diyos ay mayroong lubhang napakahalagang mensahe na dapat marinig ng sanlibutan bago dumating si Jesus! Ang unang punto ay nag-uutos sa tao na sambahin ang Diyos at magbigay luwalahati sa Kanya, sapagka’t dumating na ang oras ng Kanyang paghatol (Apocalipsis 14:7).

Sa Daniel 8 at 9, inihayag ng Diyos kung anong petsa magsisimula ang Kanyang huling paghatol, at ang makapangyarihang propetikong mga tanda na nagpapatunay na si Cristo ang Mesiyas. Kaya, walang propesiya sa buong Kasulatan ang mas napakahalaga— ngunit kakaunting tao lamang ang nakakaalam nito!

Ang iba ay ganap na talagang hindi maintindihan ito. Pakiusap ating basahin ang Daniel 8 at 9 bago simulan ang pag-aaral na ito, at hilingin sa Espiritu ng Diyos na gabayan ka sa pag-unawa sa kahanga-hangang hulang ito.

1. Sa pangitain, nakakita si Daniel ng isang lalaking tupa na may dalawang sungay na tumutulak sa kanluran, hilaga, at timog at sinasakop ang bawat hayop na kanyang makita (Daniel 8:3,4). Ano ang sinisimbolo ng lalaking tupa?

“Ang lalaking tupa na iyong nakita na may dalawang sungay ay ang mga hari ng Media at Persia” (Daniel 8:20).

Sagot:   Ang lalaking tupa ay sumisimbolo sa dating kaharian ng Medo-Persia, na kung saan ay kinakatawan din ng oso ng Daniel 7:5 (tingnan ang Aralin 15). Ang propesiya ng mga aklat ng Daniel at Apocalipsis ay sumusunod sa prinsipyo ng “pag-uulit at pagpapalawak,” na ang ibig sabihin ay inuulit nila ang propesiya na natalakay sa mga unang kapitulo at pinapalawak ang mga ito. Ang pamamaraang ito ay nagdadala ng kalinawan at katiyakan sa mga hula sa Biblia.

Ang lalaking tupa ay kumakatawan

sa Medo-Persia.

Ang kambing na lalaki ay kumakatawan

sa Grecia.

2. Ano ang sumunod na kapansin-pansin na hayop ang nakita ni Daniel?

“Ang lalaking kambing na may magaspang na balahibo ay ang hari ng Grecia, at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kanyang mga mata ay ang unang hari. Ang sungay na nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay ang apat na kaharian na babangon mula sa kanyang bansa, ngunit hindi sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan” (Daniel 8:21, 22).

Sagot: Sa sumunod na pangitain ni Daniel, isang kambing na lalaki na may malaking sungay ang syang lumabas, na naglalakbay ng may dakilang bilis. Inatake niya at sinakop ang lalaking tupa. At ang dakilang sungay ay naputol at apat na sungay ang pumalit sa puwesto nito Ang magasapang na lalaking kambing ay sumisimbolo sa ikatlong kaharian ng Gresya, at ang malaking sungay ay sumisimbolo kay Alexander the Great. Ang apat na sungay na syang pumalit sa dakilang sungay ay kumakatawan sa apat na kaharian na kung saan ang imperyo ni Alexander ay nahati. Sa Daniel 7:6, ang apat na kahariang ito ay kinakatawan ng apat na ulo ng leopardo, na sumisimbolo sa Gresya. Ang mga simbolong ito ay tumugma na napakadali ng kilalanin ito sa kasaysayan.

3. Ayon sa Daniel 8:8, 9, ang kapangyarihan ng maliit na sungay ang sunod na bumangon. Ano ang sinisimbolo ng munting sungay?

Sagot:   Ang munting sungay ay kumakatawan sa Roma. Ang ilan ay nagmumungkahi na ang munting sungay ay kumakatawan kay Antiochus Epiphanes, isang Seleucid na hari na namumuno sa Filistia sa ikalawang siglo bago si Cristo at siyang nagpatigil ng mga serbisyo sa pagsamba ng mga Judio. Ang iba, kasama ang karamihan sa lider ng Repormasyon, ay naniwala na ang munting sungay ay kumakatawan sa Roma sa parehong pagano at papa na anyo. Suriin natin ang katibayan:

A. Sa pagkakatugma ng propetikong patakaran ng “pag-uulit at pagpapalawak,” ang Roma ay ang puwersa na kumakatawan dito dahil pareho ang kapitulo 2 at 7 ng Daniel na tuturo sa Roma bilang kaharian na sumunod sa Grecia. Ang Daniel 7:24–27 ay naitatag din ang katotohanan na ang Roma sa anyo ng papa ay mapapanagumpayan ng kaharian ni Cristo. Ang munting sungay ng Daniel 8 ay tumutugma sa disenyong ito ng eksakto: Susundan nito ang Grecia at kahanga-hangang sisirain—“dudurugin na hindi gamit ang mga kamay” sa ikalawang pagparito ni Jesus. (Ikumpara ang Daniel 8:25 sa Daniel 2:34.)

Ang “maliit na sungay” ng Daniel kapitulo 8 ay
kumakatawan sa Roma sa parehong pagano at papasiyang baitang . Kaya ang maliit na
sungay ng mga huling araw ay ang papasiya.

B. Sinasabi ng Daniel kapitulo 8 na ang mga mga taga-Persia at mga Medo ay magiging “dakila” (bersikulo 4), ang mga Griyego “lubhang dakila” (bersikulo 8), at ang kapangyarihan ng munting sungay “lubhang lumakas” (bersikulo 9). Malinaw ang kasaysayan na walang puwersa na sumunod sa Grecia na “lubhang naging makapangyarihan” maliban sa Roma.

C. Pinalawak ng Roma ang kapangyarihan nito sa timog (Ehipto), sa silangan (Macedonia), at ang “maluwalhating kalupaan” (Filistia) nang wasto kagaya ng hinulaan ng propesiya (bersikulo 9). Walang pangunahing kapangyarihan na gaya ng sa Roma na tutugma sa puntong ito.

D. Ang Roma lamang ang nakatayo laban kay Jesus, ang “Pinuno ng hukbo” (bersikulo 11) at ang mga “Pinuno ng mga pinuno” (bersikulo 25). Ang paganong Roma ang nagpako sa Kanya. Sinira din nito ang templo ng mga Judio.

Ang papa sa Roma ay mabisang nagdulot upang “mapabagsak” (bersikulo 11) ang makalangit na santuwaryo at “mayapakan ng paa” (bersikulo 13) sa pamamagitan ng pagpapalit ng kahalagahan ng ministeryo ni Jesus , ang ating Pinakapunong Pari sa langit, na may makalupang pagkapari na nag-aako na magpatawad ng mga kasalanan. Walang kahit na sino maliban sa Diyos ang may kakayahang magpatawad ng mga kasalanan (Lucas 5:21). At si Jesus ang nag-iisang pari o tagapamagitan (1 Timoteo 2:5).

4. Sinasabi sa atin ng Daniel 8 na ang kapangyarihan ng maliit na sungay ay sisira din ng maraming anak ng Diyos(mga bersikulo 10, 24, 25) at ibinagsak nito ang katotohanan sa lupa (bersikulo 12). Kapag tinanong kung gaano katagal ang bayan ng Diyos at makalangit na santuwaryo na yayapakan ng paa, ano ang sagot ng langit?

“At sinabi niya sa akin, ‘Hanggang sa dalawang libo at tatlong daang hapon at umaga; pagkatapos ay malilinis ang santuwaryo’ ” (Daniel 8:14).

Sagot:   Ang sagot ng langit ay ang santuwaryo sa langit ay malilinis pagkatapos ng 2,300 propetikong mga araw, o 2,300 literal na mga taon. (Tandaan, sa hula ng Biblia may isang araw sa bawat taon na prinsipyo. Tingnan sa Ezekiel 4:6 at Mga Bilang 14:34.) Natutunan na natin na ang paglilinis ng santuwaryo sa lupa ay dumating sa Araw ng Pagtubos sa sinaunang Israel.

Ang kapangyarihan ng maliit na sungay
ay umusig at sumira sa milyun-milyong bayan ng Diyos.

Sa araw na iyon ang bayan ng Diyos ay malinaw na nakilala bilang Kanya, at ang tala ng kanilang mga kasalanan ay naalis. Ang masasama na nanatili sa kasalanan ay mawawala na sa Israel habang buhay. Kaya ang kampo ay malilinis mula sa kasalanan. Dito sinisigurado ng langit kay Daniel na ang kasalanan at ang kapangyarihan ng munting sungay ay hindi magpapatuloy sa paglago, sa pagkontrol sa sanlibutan, at pag-usig sa bayan ng Diyos nang walang katapusan. Sa halip, sa Sa halip, sa loob ng 2,300 taon ang Diyos ay papasok sa makalangit na Araw ng Pagtubos, o paghuhukom, kung saan ang kasalanan at ang makasalanan ay makikilala at kalaunan ay matatanggal sa sansinukob habang panahon. Kaya ang sansinukob ay malilinis mula sa kasalanan. Ang mali laban sa anak ng Diyos ay maitatama , at ang kapayapaan at pagkakatugma ng Eden ay pupunuan muli ang sansinukob.

5. Ano ang mahalagang punto ang paulit-ulit na binigyang diin ng anghel na si Gabriel?

“Unawain mo, O anak ng tao, na ang pangitain ay para sa panahon ng wakas.
... Narito, ipapaalam ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit. ... Ngunit ilihim mo ang pangitain, sapagkat ito’y tungkol sa maraming mga araw mula ngayon” (Daniel 8:17, 19, 26).

Sagot:   Iginiit na inihayag ni Gabriel na ang 2,300-taon na pangitain ay kasama sa mga pangyayari sa mga huling araw, na nagsimula noong 1798, kagaya ng ating natutunan sa Aralin 15. Gusto ng anghel na maintindihan natin na ang 2,300-taon na propesiya ay isang mensahe na pangunahing inilalagay sa ating lahat na naninirahan sa huling kapanahunan ng kasaysayan ng daigdig. Ito ay may natatanging kahulugan sa ngayon.

Panimula sa Daniel, Kapitulo 9

Pagkatapos ng pangitain ni Daniel sa kapitulo 8, ang anghel na si Gabriel ay dumating at nagsimulang ipaliwanag ang pangitain sa kanya. Nang dumating si Gabriel sa punto ng 2,300 araw, siya ay bumagsak at nagkasakit ng ilang panahon. Nakabawi siya ng lakas at nagpatuloy na gawin ang tungkulin ng hari ngunit labis na nababahala siya tungkol sa hindi pa naipaliliwanag na bahagi ng pangitain—ang 2,300 araw. Nanalangin si Daniel ng taimtim para sa kanyang bayan, ang mga Judio na siyang bihag sa Medo-Persia. Ikinumpisal niya ang kanyang mga kasalanan at nakiusap sa Diyos na patawarin ang Kanyang bayan. Nagsisimula ang Daniel 9 sa taos pusong panalangin ng pagkumpisal at panawagan sa Diyos. Pakiusap maglaan ng panahon ngayon na basahin ang Daniel 9 bago magpatuloy sa pag-aaral ng Aralin na ito.

Pakiusap mag laan ng panahon ngayon na basahin ang Daniel 9 bago magpatuloy sa pag-aaral na ito.

6.  Habang nananalangin si Daniel, sino ang humipo sa kanya at sa anong mensahe (Daniel 9:21–23)?

Sagot:   Ang anghel na si Gabriel ang humipo sa kanya at nagpahayag na siya ay dumating upang ipaliwanag ang natitira pa sa pangitain na inilarawan sa Daniel 8 (Ikumpara ang Daniel 8:26 sa Daniel 9:23). Nanalangin si Daniel sa Diyos na tulungan siyang maunawaan ang mensahe na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Gabriel.

7.  Ilan sa 2,300 taon ang “itinakda” (o inilaan sa) bayan ni Daniel, mga Judio, at ang kanilang kabiserang lunsod ng Jerusalem (Daniel 9:24)?

Sagot:   Pitumpung linggo ang “itinakda” para sa mga Judio. Ang pitumpung propetikong linggo ay katumbas ng 490 literal na taon (70 x 7 = 490). Ang bayan ng Diyos ay malapit nang bumalik mula sa pagkakabihag sa Medo-Persia, at maglalaan ang Diyos ng 490 taon mula sa 2,300 taon para sa Kanyang napiling bayan bilang panibagong pagkakataon upang magsisi at paglingkuran Siya.

Pinahintulutan ni Haring Artaxerxes ang muling pagtatayo ng Jerusalem sa taong 457 BC.

8. Anong pangyayari at petsa ang dapat na markahan bilang pang umpisang punto para sa 2,300 n araw at 490-taon na mga propesiya (Daniel 9:25)?

Sagot:   Ang panimulang kaganapan ay ang utos mula sa Hari ng Persia na si Artaxerxes na nagpapahintulot sa bayan ng Diyos (na mga bihag sa Medo-Persia) na bumalik sa Jerusalem at gawin muli ang siyudad. Ang utos, ay makikita sa Ezra kapitulo 7, ay naibigay noong 457 bc—ang ikapitong taon ng pamumuno ng hari (bersikulo 7)—at naipatupad sa panahon ng taglagas. Nag-umpisang mamuno si Artaxerxes noong 464 bc.

9. Sinabi ng anghel na ang 69 propetikong linggo, o 483 literal na mga taon (69 x 7 = 483), idinagdag sa 457 BC ay aabot sa Mesiyas (Daniel 9:25). Hindi ba?

Sagot:  Oo! Ipinapakita ng matematikang kalkulasyon na ang gumagalaw na ulo ng buong 483 taon ay mula sa taglagas ng 457 bc na umaabot sa taglagas ng ad 27. (Tandaan: Walang taon na 0.) Ang salitang “Mesiyas” ay nangangahulugang “pinahiran”(Juan 1:41). Si Jesus ay pinahiran ng Banal na Espiritu (Mga Gawa 10:38) sa Kanyang bautismo (Lucas 3:21, 22). Ang pagkakapahid sa Kanya ay nangyari noong ikalabinlimang taon ng pamumuno ni Tiberio Cesar (Lucas 3:1), na kung saan ay ad 27. At kung iisipin ang hula ay nangyari lagpas 500 taon bago ito nangyari! At nagsimula si Jesus na mangaral na ang “panahon ay naganap na.” Sa gayon, kinumpirma Niya ang hula (Marcos 1:14, 15; Galacia 4:4). Kaya si Jesus ay nagsimula sa Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng malinaw na 2,300-taong propesiya, binibigyang diin ang kahalagahan at katiyakan. Ito ay kahanga-hangang katibayan na:

 

A. Ang Biblia ay kinasihan.
B. Si Jesus ang Mesiyas.
C. Ang lahat ng iba pang petsa sa 2,300-taon/490-taong propesiya ay katanggap-tanggap. Anong tibay na pundasyon!

10. Ating kinokonsidera ngayon ang 483 taon ng 490-taong propesiya. May isang propetikong linggo—literal na pitong taon—na natira (Daniel 9:26, 27). Ano ang mga sumunod na nangyari at kailan?

Sagot:  Si Jesus ay “nahiwalay” o ipinako sa krus sa “kalagitnaan ng sanlinggo,” kung saan ay tatlo at kalahating taon pagkatapos na Siya ay pahiran—o ang tagsibol ng ad 31. Pansinin kung paanong inihayag ang ebanghelyo sa bersikulo 26: “Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan” ngunit hindi sa Kanyang sarili. Hindi—purihin ang Diyos!—nang si Jesus ay namatay, hindi ito para sa Kanyang sarili. Siya na “hindi nagkasala” (1 Pedro 2:22) ay ipinako sa krus para sa ating kasalanan (1 Corinto 15:3; Isaias 53:5). Maibiging at kusang inalok ni Jesus ang Kanyang buhay upang mailigtas tayo mula sa kasalanan. Aleluya! Anong Manunubos! Ang sakripisyo ni Jesus ang pinakasentro ng Daniel kapitulo 8 at 9.

Ang mga alagad ay nangaral sa maraming mga Judio.

11. Nang si Jesus ay namatay sa krus pagkatapos ng tatlo at kalahating taon, paano Niya “patutunayan ang tipan sa marami” sa loob ng buong huling pitong taon, kagaya ng propesiya sa Daniel 9:27 na iniutos?

Sagot:  Ang tipan ay pinagpalang kasunduan na ililigtas ang tao mula sa kanilang mga kasalanan (Mga Hebreo 10:16, 17). Pagkatapos matapos ng Kanyang ministeryo ng tatlo at kalahating taon, pinatunayan ni Jesus ang tipan sa pamamagitan ng Kanyang mga disipulo (Mga Hebreo 2:3). Pinadala Niya sila muna sa bansa ng mga Judio (Mateo 10:5, 6) dahil ang Kanyang piniling Bayan ay mayroon pang tatlo at kalahating taon ng kanilang 490-taon na pagkakataon upang magsisi.

12. Kapag natapos ang 490-taon ng huling pagkakataon para sa bansang Judio ang taglagas ng AD 34, ano ang ginawa ng mga disipulo?

Sagot:   Sinimulan nila ang pangangaral ng ebanghelyo sa ibang mga tao at mga bansa sa sanlibutan (Mga Gawa 13:46). Si Esteban, isang banal na dyakono, ay hayagang binato noong ad 34. Mula sa araw na iyon, ang mga Judio, dahil tinanggihan nila si Jesus at ang plano ng Diyos, ay hindi na sila ang piniling bayan ng Diyos o bansa. Sa halip ay binibilang na ngayon ng Diyos ang lahat ng bansa na tumatanggap at naglilingkod sa Kanya bilang espirituwal na Judio. Sila ay Kanyang naging piniling bayan—“mga tagapagmana ayon sa pangako” (Galacia 3:27–29). Espirituwal na mga Judio, kasama ang mga Judio na sa kanilang sarili ay tumanggap at naglingkod kay Jesus (Roma 2:28, 29).

Matapos ang pagbato kay Esteban, ang mga alagad ay nagsimulang mangaral sa mga Hentil.

13. Pagkatapos ng AD 34, ilang taon ng 2,300-taong propesiya ang natira? Ano ang katapusan ng petsa para sa propesiya? Ano ang sinabi ng anghel na mangyayari sa petsang iyon (Daniel 8:14)?

Sagot:  Mayroon 1,810 taon ang natitira (2,300 - 490 = 1,810). Ang katapusang petsa para sa propesiya ay 1844 (ad 34 + 1810 = 1844). Sinabi ng anghel na ang makalangit na santuwaryo ay malilinis—halimbawa, ang makalangit na paghuhukom ay magsisimula na. (Ang makalupang santuwaryo ay nasira na noong ad 70.) Natutunan natin sa Aralin 17 na ang makalangit na Araw ng Pagtubos ay ikinandidato sa huling panahon. Ngayon alam natin na ang petsang pagsisimula ay 1844. Itinakda ng Diyos ang petsang ito. Ito ay tiyak kagaya ng sa ad 27 na petsa ng pagpahid kay Jesus bilang Mesiyas. Ang bayan ng Diyos sa huling kapanahunan ay dapat na ipinahahayag ito (Apocalipsis 14:6, 7). Ikaw ay manginginig na matutunan ang detalye ng paghuhukom na ito sa Aralin 19. Sa mga araw ni Noe, sinabi ng Diyos na ang paghatol sa Baha ay magaganap sa 120 taon (Genesis 6:3)—at ito ay nangyari. Sa mga araw ni Daniel, ipinahayag ng Diyos na sa Kanyang paghuhukom sa huling kapanahunan ay magsisimula sa loob ng 2,3000 taon (Daniel 8:14)—at ito ay nangyari! Ang paghuhukom ng Diyos sa huling kapanahunan ay nagaganap na simula pa noong 1844.

Kahulugan ng Pagtubos (Atonement)
Ang Ingles na salitang “atonement” ay orihinal na nangangahulugang “at-one-ment” iyan ay, estado ng pagiging “isa” o kasunduan. Ito ay nagpapakilala ng pagkakaisa ng relasyon. Ang perpektong pagkakaisa ay orihinal na nabuhay sa buong sansinukob. Pagkatapos si Lucifer, ang makapangyarihang anghel sa langit (tulad ng natutunan mo sa Aralin 2), sinubok ang Diyos at ang Kanyang prinsipyo sa gobyerno. Ang ikatlong bahagi ng mga anghel ay sumali sa paghihimagsik ni Lucifer (Apocalipsis 12:3, 4, 7–9).

 

Ang rebelyon laban sa Diyos at sa Kanyang butihing prinsipyo ay tinawag na kasamaan—o kasalanan—sa Biblia (Isaias 53:6; 1 Juan 3:4). Ito ay nagdadala ng sakit sa puso, pagkalito, kaguluhan, trahedya, pagkabigo, kalungkutan, pagtataksil, at kasamaan ng bawat uri. Ang pinakamalala sa lahat, ang kabayaran nito ay kamatayan (Roma 6:23)—na kung saan walang pagkabuhay na mag-uli—sa nagliliyab na apoy (Apocalipsis 21:8). Ang kasalanan ay mabilis na kumakalat at lalong delikado kaysa sa pinakanakamamatay na uri ng kanser. Nalagay sa peligro ang buong sansinukob.
 

Kaya’t itinapon ng Diyos si Lucifer at ang kanyang mga anghel mula sa langit (Apocalipsis 12:7–9), at si Lucifer ay nakatanggap ng bagong pangalan—“Satanas,” na nangangahulugang “kaaway.” Ang kanyang nahulog na mga anghel ay tinatawag ngayong diyablo. Inakit ni Satanas si Adan at si Eva at ang kasalanan ay dumating sa lahat ng tao. Anong trahedya! Ang nakawawasak na labanan sa pagitan ng mabuti at masama ay nagsimula, at ang
diyablo ay lumalabas na panalo. Ang sitwasyon ay parang wala ng pag-asa 

Ngunit hindi! Si Jesus, Anak ng Diyos—Diyos mismo—pumayag na isakripisyo ang Kanyang sariling buhay upang mabayaran ang parusa para sa bawat makasalanan (1 Corinto 5:7). Sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang sakripisyo, ang mga makasalanan ay makakalaya mula sa pagkakasala at sa kadena ng kasalanan (Roma 3:25). Ang maluwalhating plano din na ito ay kasama ang pagpasok ni Jesus sa buhay ng tao kung Siya ay aanyayahan (Apocalipsis 3:20) at babaguhin siya upang maging bagong nilalang (2 Corinto 5:17). Ipinagkaloob ito upang pigilan si Satanas at ibalik ang bawat nabagong tao sa imahe ng Diyos, kung saan nilikha ang lahat ng tao (Genesis 1:26, 27; Roma 8:29).

Ang mapagpalang alok ng pagtubos ay may kasamang plano na ihiwalay ang kasalanan at sirain ito—kasama si Satanas at ang kanyang mga nahulog na anghel, at kasama ang lahat ng sasali sa kanilang pagrerebelde (Mateo 25:41; Apocalipsis 21:8). Dagdag pa, ang buong katotohanan tungkol kay Jesus at sa Kanyang butihing pamahalaan at si Satanas at kanyang napakasamang diktadurya ay dadalhin sa bawat tao sa lupa upang ang lahat ay makagawa ng isang matalino, at may kaalamang desisyon na piliin alinman kay Cristo o Satanas (Mateo 24:14; Apocalipsis 14:6, 7).

Ang kaso ng bawat tao ay susuriin sa makalangit na hukuman (Roma 14:10–12) at igagalang ng Diyos ang pagpili ng bawat indibiduwal na paglingkuran alinman kay Cristo o Satanas (Apocalipsis 22:11, 12). Sa wakas, pagkatapos na lipulin ang kasalanan, ang plano ng Diyos ay gumawa ng bagong langit at bagong lupa (2 Pedro 3:13; Isaias 65:17), kung saan ang kasalanan ay hinding-hindi na titindig muli (Nahum 1:9), at ibibigay Niya ang bagong langit at bagong lupa sa Kanyang mga anak bilang kanilang tahanan sa loob ng walang hanggan (Apocalipsis 21:1–5). Ang Ama at Anak ay mananahan kasama ng kanilang bayan na may perpektong kasiyahan at pagkakaisa magpakailanman.

Ang lahat ng ito ay kasama sa “at-one-ment.” Ipinaalam ito sa atin ng Diyos sa Kanyang Salita at Kanya itong ipinakita sa serbisyo ng santuwaryo sa Lumang Tipan—lalo na ang Araw ng Pagtubos. Si Jesus ang susi patungo sa pagiging isa. Ang Kanyang butihing sakripisyo para sa atin ay ginagawang posible ang lahat. Ang pag-aalis ng kasalanan sa ating buhay at sa sansinukob ay posible sa pamamagitan lamang Niya (Mga Gawa 4:12). Walang duda na ang tatlong puntong kahuli-hulihang mensahe sa sansinukob ay tinatawagan tayo na sambahin Siya (Apocalipsis 14:6–12).

14. Bakit ang ilan sa mga nagpapaliwanag ng Biblia ay tinanggal ang huling linggo (o pitong taon) ng 490 taon na nakalaan sa bansang Judio at gamitin ito sa gawain ng anti-cristo sa katapusan ng kasaysayan ng mundo?

Sagot:  Ating balikan ang mga katotohanan:

 

A. Walang anumang katibayan para sa paglalagay ng puwang sa pagitan ng alinmang mga taon ng 490-taong propesiya. Ito ay nagpapatuloy, kagaya ng 70 taon ng pagkakatapon ng bayan ng Diyos na nabanggit sa Daniel 9:2.

B. Hindi kailanman sa Banal na Kasulatan ang partikular na bilang ng yunit ng oras (araw, linggo, buwan, taon) kahit ano liban sa ito ay tuloy-tuloy. Sa gayon, ang pasanin ng patunay ay sa mga nagsasabing ang anumang bahagi ng anumang oras na hula ay dapat na hiwalay at nabilang kalaunan.
 

C. AD 27 (ang taon ng bautismo ni Jesus) ay ang pasimulang petsa para sa huling pitong taon ng propesiya, na kung saan ay binigyang diin ni Jesus sa simula pa lang ng pangangaral, “Naganap na ang panahon” (Mark 1:15).
 

D. Sa oras ng Kanyang kamatayan sa krus sa tagsibol ng AD 31, si Jesus ay nagsabi, “Natupad na” (Juan 19:30). Ang Tagapagligtas ay malinaw na tumutukoy sa hula ng Kanyang kamatayan na ginawa sa Daniel kapitulo 9, kagaya ng:
 

     1. Ang “Mesiyas” ay “mahihiwalay” o mapapako sa krus (bersikulo 26).


     2. Siya ay “magdadala ng kawakasan sa hain at alay” (bersikulo 27), mamamatay bilang tunay na Tupa ng Diyos       (1 Corinto 5:7; 15:3).
 

     3. Siya ay “gagawa ng pagtubos para sa kasamaan” (bersikulo 24).
 

     4. Siya ay mamamatay sa “kalagitnaan ng sanlinggo” (bersikulo 27).

Walang biblikal na dahilan upang tanggalin ang huling pitong taon (propetikong sanlinggo) ng 490 taon. Tunay nga, na ang pagtatanggal ng huling pitong taon mula sa 490-taong propesiya ay nasisira ang tunay na kahulugan ng maraming propesiya sa aklat ng Daniel at Apocalipsis na hindi ito maintindihan ng tama ng mga tao. Malala pa, ang teorya ng pitong taong agwat ay nagdadala sa mga tao na maligaw.

15. Ang pagsasakripisyo ni Jesus ay ginawa para sa iyo. Aanyayahan mo ba Siya sa iyong buhay upang linisin ka mula sa kasalanan at gawin kang isang bagong tao?

- IYONG TUGON -

SAGOT SA IYONG KATANUNGAN

1. Ang kapangyarihan ng munting sungay ay lumabas pareho sa Daniel sa kapitulo 7 at 8. Pareho ba silang kapangyarihan?

 

Sagot: Ang kapangyarihan ng munting sungay ng Daniel 7 ay sumisimbolo sa papasiya. Ang kapangyarihan ng munting sungay sa Daniel 8 ay sumisimbolo sa pagano at papa ng Roma.

2. Ang “dalawang libo at tatlong daang araw” ng Daniel 8:14 ay literal na isinalin mula sa Hebreo na “dalawang libo at tatlong daang mga gabi at mga umaga”. Nangangahulugan ba ito ng 1,150 araw, tulad ng ilang pagtatalo?

 

Sagot: Hindi. Malinaw na ipinapakita ng Biblia sa Genesis 1:5, 8, 13, 19, 23, 31 na ang gabi at ang umaga ay katumbas ng isang araw. Bukod dito, walang kaganapan sa kasaysayan na sa katapusan ng 1,150 araw ay matutupad ang hulang ito.

 

3. Anong bahagi ang ginagampanan ng pagpili sa buhay ng isang Cristiano?

 

Sagot: Ang ating pagpili ay gumaganap ng isang malaking bahagi. Ang paraan ng Diyos ay palaging kalayaan na pumili (Josue 24:15). Kahit na gusto Niyang iligtas ang bawat tao (1 Timoteo 2:3, 4), pinapayagan Niya pa rin ang kalayaan sa pagpili (Deuteronomio 30:19). Pinayagan ng Diyos si Satanas na pumili upang maghimagsik. Pinayagan din Niya sina Adan at Eva na pumili ng pagsuway. Ang kabanalan kailanman ay hindi nakakandado, naka-programang tadhana na dadalhin ang tao sa langit anuman ang kanyang buhay—at kahit ayaw niyang pumunta. Ang pagpili ay nangangahulugang ikaw ay laging malaya na baguhin ang iyong isipan. Nakikiusap si Jesus na piliin mo Siya (Mateo 11:28–30) at upang pagtibayin muli ang iyong pagpili araw-araw (Josue 24:15). Kapag ginawa mo, babaguhin ka Niya at gagawin kang katulad Niya at, sa huli, dadalhin ka sa Kanyang bagong kaharian. Ngunit tandaan, palagi kang malayang lumiko at magtungo sa ibang direksyon sa anumang oras. Hindi ka pipilitin ng Diyos. Samakatuwid, ang iyong pagpili na maglingkod sa Kanya sa araw-araw ay napakahalaga.

 

4. Marami ang naniniwala na ang Hari ng Seleucid na si Antiochus Epiphanes ay ang kapangyarihan ng munting sungay ng Daniel 8. Paano tayo makatitiyak na hindi ito totoo?

 

Sagot:   Maraming dahilan. Narito ang ilan:

A. Si Antiochus Epiphanes ay hindi “lubhang naging makapangyarihan,” kagaya ng iniutos sa propesiya (Daniel 8:9).
 

B. Hindi siya namuno sa “huling kapanahunan” o malapit sa katapusan ng kaharian ng Seleucid kagaya ng kinakailangan ng propesiya (Daniel 8:23), ngunit, malapit sa kalagitnaan.

C. Ang mga nagtuturo na si Epiphanes ay ang munting sungay na binilang ang 2,300 araw bilang literal na araw kaysa sa propetikong mga araw—bawat isa ay katumbas ng isang taon. Ang literal na panahon na ito na lagpas kaunti ng 6 na taon ay walang makahulugang aplikasyon sa Daniel 8. Lahat ng pagtatangka na gawing literal ang panahong ito na tumugma kay Antiochus Epiphanes ay nabigo.

D. Ang munting sungay ay nabubuhay pa rin sa “huling kapanahunan” (Daniel 8:12, 17, 19), habang namatay si Epiphanes noong 164 bc.
 

E. Ang munting sungay ay magiging “lubhang makapangyarihan” sa timog, sa silangan, at Filistia (Daniel 8:9). Kahit na namuno si Antiochus Epiphanes sa maikling panahon sa Filistia halos wala siyang katagumpayan sa Ehipto (timog) at Macedonia (silangan).


F. Ibinagsak ng munting sungay ang santuwaryo ng Diyos (Daniel 8:11). Hindi sinira ni Antiochus Epiphanes ang templo sa Jerusalem. Hindi niya ito iginalang, ngunit ito ay sinira ng mga Romano noong ad 70. Ni sinira niya ang Jerusalem, ayon sa iniutos ng hula (Daniel 9:26).
 

G. Ginamit ni Jesus ang mapangwasak na kasuklaman ng Daniel 9:26 at 27, hindi sa nakalipas na pangmamalupit ni Antiochus Epiphanes noong 167 bc, kundi sa pangunahing kinabukasan ng sundalong Romano na sisirain ang Jerusalem at ang templo sa Kanyang sariling henerasyon noong ad 70 (Lucas 21:20–24). Sa Mateo 24:15, tiyakan na binanggit ni Jesus ang propetang si Daniel at sinabi na ang kanyang hula sa Daniel 9:26, 27 ay matutupad kapag nakita ng mga Cristiano (sa hinaharap) ang kasuklam-suklam na paninira na “tumatayo sa dakong banal” ng Jerusalem. Ito ay napakalinaw upang hindi maunawaan.


H. Malinaw na iniugnay ni Jesus ang pagkasira ng Jerusalem sa huling pagtanggi ng Israel na tanggapin Siya bilang Hari at Tagapagligtas (Mateo 21:33–45; 23:37, 38; Lucas 19:41–44). Ang kaugnayan na ito sa pagitan ng pagtanggi sa Mesiyas at pagkawasak ng lungsod at templo ay ang mahalagang mensahe ng Daniel 9:26, 27. Ito ay isang mensahe na nagpapahayag ng mga kahihinatnan ng patuloy na pagtanggi ng Israel sa Mesiyas—kahit na matapos mabigyan ng karagdagang 490 taon upang piliin Siya. Sa paggamit ng propesiya kay Antiochus Epiphanes, na namatay noong 164 bc, mahabang panahon bago ang kapanganakan ni Jesus, sinisira ang kahulugan ng Daniel kapitulo 8 at 9—naglalaman ng pinakamahalagang panahon ng propesiya sa Biblia.